Leyte Escapade

5
Kalanggaman Island

 

Noong buwan ng Abril, 2017, ako at aking pamilya ay nagdesisyong magbakasyon sa probinsiya ng Leyte. Kami ay nakituloy sa dating kasamahan ni mama sa trabaho. Plano na din talaga nina mama na pumunta doon upang magbakasyon at upang makapunta sa isa sa mga tinaguriang magandang isla ng Pilipinas- ang Kalanggaman Island. Hindi madali ang pagpunta sa naturang isla dahil kelangan pa naming sumakay ng bangka at nagkataon na sobrang lakas ng alon sa araw na iyon. Ang pamilya namin, kasama na rin ng ibang kaibigan ay nag renta ng bangka at sabay-sabay na bumiyahe papunta sa isla.

Sobrang dami ng tao na nandoon at kagaya namin ay nagbabalak din silang magpagabi sa isla. Sobrang laki at lawak ng Kalanggaman Island. Sa umaga, tanaw ang dagat na sobrang linis at lawak ng tanawin. Sa kabilang bahagi naman ng isla ay mayroong mga tent na gawa sa kahoy at isang tree house kung saan tanaw naman ang magandang paglubog ng araw. Sa gabi, ramdam ang lamig at simoy ng dagat sa tuwing kami ay maliligo at pwede ding magpatugtog sa mismong isla. Sa buong araw na aming pagpunta ay sobrang sulit nito.

Sa bakasyong iyon, mas lalong napagtanto ko na gusto kong malibot ang magagandang tanawin dito sa Pilipinas. Malayo man ito o malapit, lalo kong pinahalagahan ang ating bansa. Sa paglalakbay kailangan din nating maging responsable. Alamin natin ang mga bawat palatuntunon sa mismong lugar at bigyang respeto ang mga ito. Mahalin ang Pilipinas at maging ang mga magagandang lugar nito.

EJ and Friends

Noong ika-11 ng Agosto 2018 araw na sabado pamunta kami ng Lusaran ito ay bahaging norte ng Cebu kasama ko ang aking mga kaibigan, pinsan, kapatid at tsaka ang girlfriend ko. Pagkaabot namin sa Lusaran may nakita agad akong isang grupo ng tao sila nakasalamoha ko sila tapos nagpakilala sila, sabi nila sila ay mga habal-habal driver  kong saan sila mismo maghahatid sa aming papuntahang destinasiyon. Habang nakasakay ako sa motorsiklo marami akong nakita na mga magagandang na tanawin tulad ng bukirin, sapa at ilog. Sinabi ng aking kaibigan na taga doon na ang tawag daw sa aming nakikita na bukid ay “Puntod” at pumunta din kami sa tinatawag nilang “dam” kong saan nakita ko na hindi masyadong malinaw ang tubig pero ang sobrang ginaw.

Wala kami masyadong bago na natikmang pagkain sa pagpunta namin doon kasi hindi pa namin alam kong paano niluto o kong saan galing ang mga sangkap nila. Sa pagpunta ko ng Lusaran marami akong natutunan tulad ng pagiging mapagkumbaba sa mga tao, lagi mong iisipin na ikaw ang dayo sa lugar na to kaya ikaw dapat ang mag-adjust tapos kailangan mong maghintay ng matagal bago ka makasakay ng motorsiklo pauwi, doon ko natuklasan na kailangan mo talagang maghintay ng matagal hanggang sa umabot ang iyong pagkakataon. Natuklasan ko rin na ang mga tao doon ay sobrang mababait pero pag sila ang inyong inaway magpapatayan talaga kaayo kasi matatapang rin ang mga tao doon.

Natuklasan ko sa sarili ko na dapat wag magpadalos-dalos sa pagsasalita at wag masyadong maabuso sa tao. Kailangan mong magpakumbaba sa tao kong may problema man, tapos wag mo palaging iasa sa ibang tao ang kaya mong gawin sa sarili mo. Kailangan mong magsumikap at matiyaga kong gusto mong marating o maabot ang iyong gusto. Natuklasan ko rin sa sarili ko na kong gusto ko ang isang bagay lahat ay gagawin ko makamit lang ito.