EJ and Friends

Noong ika-11 ng Agosto 2018 araw na sabado pamunta kami ng Lusaran ito ay bahaging norte ng Cebu kasama ko ang aking mga kaibigan, pinsan, kapatid at tsaka ang girlfriend ko. Pagkaabot namin sa Lusaran may nakita agad akong isang grupo ng tao sila nakasalamoha ko sila tapos nagpakilala sila, sabi nila sila ay mga habal-habal driver  kong saan sila mismo maghahatid sa aming papuntahang destinasiyon. Habang nakasakay ako sa motorsiklo marami akong nakita na mga magagandang na tanawin tulad ng bukirin, sapa at ilog. Sinabi ng aking kaibigan na taga doon na ang tawag daw sa aming nakikita na bukid ay “Puntod” at pumunta din kami sa tinatawag nilang “dam” kong saan nakita ko na hindi masyadong malinaw ang tubig pero ang sobrang ginaw.

Wala kami masyadong bago na natikmang pagkain sa pagpunta namin doon kasi hindi pa namin alam kong paano niluto o kong saan galing ang mga sangkap nila. Sa pagpunta ko ng Lusaran marami akong natutunan tulad ng pagiging mapagkumbaba sa mga tao, lagi mong iisipin na ikaw ang dayo sa lugar na to kaya ikaw dapat ang mag-adjust tapos kailangan mong maghintay ng matagal bago ka makasakay ng motorsiklo pauwi, doon ko natuklasan na kailangan mo talagang maghintay ng matagal hanggang sa umabot ang iyong pagkakataon. Natuklasan ko rin na ang mga tao doon ay sobrang mababait pero pag sila ang inyong inaway magpapatayan talaga kaayo kasi matatapang rin ang mga tao doon.

Natuklasan ko sa sarili ko na dapat wag magpadalos-dalos sa pagsasalita at wag masyadong maabuso sa tao. Kailangan mong magpakumbaba sa tao kong may problema man, tapos wag mo palaging iasa sa ibang tao ang kaya mong gawin sa sarili mo. Kailangan mong magsumikap at matiyaga kong gusto mong marating o maabot ang iyong gusto. Natuklasan ko rin sa sarili ko na kong gusto ko ang isang bagay lahat ay gagawin ko makamit lang ito.

 

Leave a comment